Ang grupo na tinatawag na PTB BAGETS o BADETTES ay nagtungo sa lugar na pawang ang mga tao ay may mga singkit na mata upang maghanap ng kakaibang mga putahe. Ito ang Binondo o mas kilala natin sa tawag na Chinatown.
Ibat-ibang uri ng pagkain ang makikita sa Binondo mula sa dimsum, siomao, siopao at kung anu-anu pang pagkaing tsinoy. Mula sa mamahaling restaurant patungo mga ngtintinda ng mga tusok tusok, paniguradong ikaw ay mabubusog at mag eenjoy.
SOUP # 5 |
Pamilyar ka ba sa SOUP # 5? Kung sa tingin mo ito ay isang tipikal na sopas, diyan ka nagkakamali. Ang SOUP # 5 ay isang putahe na ang pangunahing sangkap ay ang maselang parte (Penis) ng baka na hinaluan ng laman nito. Sa totoo lng, parang di ko bet na kainin ito.Pero kailangan kong matikman ito. Di ko talaga mapaliwanag ang lasa nito. Malapot ang sabaw at malambot din naman ang laman. Buti na lang ay may KUGON juice na inihanda ang may ari ng Fastfood para maibsan ang kakaibang lasa ng SOUP # 5.
Marami pang kakaibang pagkain sa Binondo ang di pa namin natitikman. Dahil sa kulang na ang oras at ako'y my lakad pa sa araw nayon, natapos ang Binondo Walk/Binondo Foodtrip namin. Paniguradong ako'y babalik dito para tikman ang iba pang pagakaing tsinoy at pinoy.
Salamat sa mga PTB BAGETS o BADETTES na nakasama ko na kinabibilangan ni Robx, Ivan, Ca, Darwin at Brenna. Sa susunod ulit ah..hehe
Salamat sa mga PTB BAGETS o BADETTES na nakasama ko na kinabibilangan ni Robx, Ivan, Ca, Darwin at Brenna. Sa susunod ulit ah..hehe
No comments:
Post a Comment