ICLICK at ISHARE ang ikwento mo

Movie:Transformers 3:Dark of the Moon

Grabe ang lufet ng Transformer 3. Super Astig..Ang ganda ng mga effects at ung mga action scenes..buwis buhay talaga. At ung chikas sa movie..yun ang pinakamalufet sa lahat...babaBOOM..:)

Transformers 3:Dark of the Moon Official Trailer


Ito ay pinagbibidahan nina Shia Labeouf, Rosie Huntington Whiteley, Josh Duhamel, Tyrese Gibson at Francis McDormand sa pamamahala ni direktor Michael Bay. Palabas pa rin sa lahat ng sinehan sa buong bansa. :)

Badtrip sa Central

Narinig mo na ba ang inuming BADTRIP.?.. oo as in BADTRIP...Kung hindi pa..pwes!..hanapin mo ang Central Bar or tinatawag ding Central BBQ Grill. Mukha lang syang juice pero wag ka...malakas itong makalasing..bagay na bagay sa mga taong badtrip sa buhay..Sa unang tikim ay aakalain mo talagang juice pero habang tumatagal.. .nararamadamn mo ng bangis ng tama nito.. ewan na lng kung tanggera at tanggero ka.. malamang walang tama ito sayo..Maniwala ka sa hindi..super patok ito sa Central... kaya nga sila naging sikat dahil sa ganitong klaseng inumin..kaya mga repapiz...tagay na...




JOKE TIME

Habang wala ako magawa kanina, ngabasa basa ako ng mga Pinoy Jokes. Grabeh super daming tawa ko..Ewan ko lng kung matatawa din kayo dito sa mga JOKES na nakuha ko. Puede din kayong mg share ng jokes sa comment box ko..para lahat masaya.


Slammer sa Central

Mukha bang MILO o Chocolate? ooppss,..Mali kayo ng iniisip.. Yan lang naman ang isa sa pinakasikat na inumin sa Central.. Anu ba ang Central?????? Ang Central BBQ Grill o mas sikat sa pangalang CENTRAL ay isang Bar...isang magandang tambayan at inuman sa gabi.. Meron nito sa Makati, Quezon City, Manila at kung saan saan pa sa Metro Manila.


Eh anu naman ang Slammer???? Ang Slammer ay isang inumin.. hindi ito yung tipong milo or chocolate drink lang... isa itong nakakalasing na inumin.. manamis namis at talagang napakasarap....tipong mapapa SLAM ka sa sobrang sarap..RAPSA yo....Paalala lang....dahil pag nasobrahan ka nito ay baka ka matumba dahil sa sobrang kalasingan o di kaya naman ay kailangan mo ng banyo para sa isang preskong pakiramadam (alam mo na ibig kong sabihin) .lol

Ang Badminton!

Isa sa kinahihiligan kong laro ay ang Badminton. High School pa lang ay naglalaro na ako nito. Kung dati rati ay palo palo lang ang ginagawa ko o yung tinatawag na larong kalye, ngayon ay alam ko na ang ibat- ibang techniques na dapat gawin para maging mahusay sa larong ito.

Sa tuwing sasapit ang Martes at Sabado, ako ay naglalaro ng Badaminton sa Power and Speed (Mindanao Ave.) o di kaya naman sa Chuts (Munoz). Dahil sa sobrang busy ko sa trabaho at paggala (joke), minsan ay di na ako nakakapalagro. Super nakakamis talaga ang maglaro pero kailngan kong unahin ang dapat unahin. Nararamdaman ko na ang ibang kaibigan ko ay nagtatampo na sa akin dahil sa pag absent ko sa mga laro namin..pero sorry talaga...Haist kung alam nyo lang ang nararamdaman ko sa tuwing di ako ako nakakapaglaro ng badminton. :-(



Dati rati kasi halos tatlo hanggang apat na beses akong maglaro. Minsan pa nga ay dumadayo ako sa ibat-ibang court para lang makapaglaro. Ewan ko ba.. iba ang feeling pag pinagpapawisan ka sa court at nanalo ka sa mga games. Kahit minsan natatalo.. enjoy pa rin..

Haisssst...siguro dapat ko ng ayusin ang schedule ko para makapaglaro ulit ng tuloy tuloy. Namiss ko na talaga ang paglalaro ng badminton.

Ang cute! cute! ng mga aso namin

Ang mga super cute na baby ng aso namin. Sila ay sina Polar, Gumiho at Wangti.. Kahit Aspin o Askal ang lahi nila, super cute pa rin nila. Actually may lahi sila kaso sa tatay nga lang hehehe.. Half-half kung baga..hahaha. Nawawala ang pagod ko sa tuwing sila ay aking pagmamasdan, lalo na pag sila ay naghaharutan. Ang kukulit nila sobra. Tapos pag dumidede sa mommy nila ayun nag uunahan talaga. Haist.. pag baby talga.. hindi ka mgsasawang alagaan ang mga ito Ang cute cute talaga nila.




WALANG PASOK ! Yahuuuu

Sa tuwing may darating na malakas bagyo, halos lahat ay nakatutok sa balita para malaman kung my pasok o wala. Tiyak na ang mga estudyante ay humihiling na sana WALANG PASOK. Ok na rin un..kasi nga naman halos lahat baha saan man sulok ng Metro Manila..sobrang hussle kaya un..basa ka na nga , lulusong ka pa sa madumi at mabahong baha na may kasamang naglulutangan na basura. At ang pinakamasakalap na mangyayari sayo ay  ang madulas at makakita ng eeewww habang naglalakad sa animoy ilog sa ciudad.>>>> siguro ay alam mo na ung ibig kong sabihin. Nakakabadtrip din ung tipong matatalsikan ka ng baha dahil sa pghaharurot ng mga sasakyan sa kalsada.




Walang Klase! ang sabi sa balita....Yehey! sabi naman ng kapatid ko with matching smile abot hanggang tenga. Basta pag ganito ang mga balita, ang mga estudyante ay talagang nagbubunyi sa mga anunsyong tulad nito. Syempre, walang pasok kinabukasan at walang maagang paggisng na magaganap. Malamang sa oo o sa hindi, tanghali na ito magsisispag-gising at tambay na naman sa bahay sa buong maghapon. O kaya naman, yung iba ay mangangapit-bahay para makipag chikahan ng ibat-ibang intriga sa showbiz. 



Noong ako’y nag-aaral pa, ang mga salitang gusto kong marinig at talagang inaabangan ko ay ang…BREAK TIME NA!....UWIAN NA....PASADO KA.... at syempre ang Walang PASOK. Pag walang pasok, walang exam, walang terror na teacher, walang homework, walang maingay na klase at higit sa lahat walang katabing amoy putok. Hahaha. Ngunit, datapwat, sublalit.... walang baon pag walang pasok at dun lang talaga ako nalungkot :-(…Pero mas pipilin ko pa rin ang walang pasok kasi mas enjoy at walang masyadong iniisip.

Sana nga ay araw-araw ay walang pasok para lagging masaya..Pero sa totoong buhay.. hindi mangyayari yun…wala kang pasok..pero wala ka namang matutunan.. wala ka ding pera..Kailangn talaga nating pumasok sa trabaho at eskwela. Kasi walang mangyayari sa atin kung tatambay lang tayo sa bahay.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...