ICLICK at ISHARE ang ikwento mo

Showing posts with label Pinoy Horoscope. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Horoscope. Show all posts

MADAM JEM HOROSCOPE! November 21, 2011

MADAM JEM HOROSCOPE-  ANG GABAY SA PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY



TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi mo kakayanin ang iyong makikita,iwasan ang mga salamin. Lucky numbers at color of the day ay 44, 55 at fink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –Magtatamasa ka ng kasaganaan ngayong araw,tatama ka sa jueteng. Lucky numbers at color of the day pompyang dos at green apple.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) -Ang anumang bagay na sobra ay nakakasama,lalo na pag sobrang panget mo na. Lucky numbers at color of the day ay 15, 16 at red apple.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –May isang kaibigan ang magpapautang sa iyo.At aalukin ka rin nya ng kulambo at payong.BUMBAY! Lucky numbers at color of the day ay 5'6 at blue bayou.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) –Piliin ang tamang daang tatahakin.Bawal tumawid nakakamatay. Lucky numbers at color of the day ay 23,66 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) –Makakaramdam ka ng matinding selos.Makikita mong masaya si Angelica Panganiban at Derek Ramsey.AMBISYOSA!. Lucky numbers at color of the day ay 54, 77 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Susubok ka ng alternatibong gamot at mga pamamaraan na nauukol sa iyong kalusugan,ngunit di eepekto,CHUBBY ka pa rin. Lucky numbers at color of the day ay 36, 15 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) -- Hindi mapapansin ang isang pangyayaring magaganap sa iyong buhay.Mabubundol ka ng taxi . Lucky numbers at color of the day ay 99, 58 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Makakatanggap ka ng isang mensahe, ito man ay mabuti o malungkot na balita.Ngunit di mu mababasa kc lobat ka na.Lucky numbers at color of the day ay 11, 33 at blue violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –Huwag mainggit sa kaibigan,dahil di naman kayo close. Lucky numbers at color of the day ay 1, 7 at beige.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahihirapan kang abutin ang iyong pangarap, ang mabuntis,dahil wala ka naman matris, bayag meron. Lucky numbers at color of the day ay 7, 15, 23, 34 at ocean blue.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Isang suliranin ang darating sa buhay mo kailangan mong mamili sa dalawang taong nagmamahal sa iyo,ang girlfriend mo o ang boyfriend mo.Sundin ang sinsabi ng puso. Lucky numbers at color of the day ay 77,65 at purple

MADAM JEM HOROSCOPE! November 19, 2011

MADAM JEM HOROSCOPE-  ANG GABAY SA PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY



LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) –Mapapaupo ka na lamang dahil sa sama ng loob..LBM.. Lucky numbers at color for the day ay 31, 35 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Isang magandang pagkakataon sa pag ibig ang magpaparamdam sa iyo.Wag ka nang maging choosy.Angola ka?Lucky numbers at color for the day ay 15,45 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) –Mabibighani ka sa itsura ng isang opposite sex ..Pero dedma dahil bakla ka. Lucky numbers at color for the day ay 4,5 at dirty white

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag pansinin ang mga naninira sa iyo..siraan mu din sila.. Lucky numbers at color for the day ay 87,30 at red.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Magkakaroon kayo ng samaan ng loob ng iyong ama.Magtatalo kayo kung sino ang gagamit ng red stiletto ng nanay mo. Lucky numbers at color for the day ay
70,60 at beige.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Di mu maiwasang mag alala sa isang kamag anak maaawa ka at tutulungan mu syang hanapin ang nawawalang red stiletto nya. Lucky numbers at color for the day ay 55, 12 at pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Makakaramdam ka ng galit lungkot at panghihinayang.Magkikita kau ng asawa mu s isang shower party ng isang kaibigan.At suot nya ang red stiletto mo.CONFIRMED! Lucky numbers at color for the day ay 15, 39 at fire red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20)- Magiging proud ka sa iyong sarili dahil sa pagpapalaki mo ng maayos sa iyong anak.Ngunit may panghihinayang dahil mas pinili nyang maging dalaga kesa maging binata. Lucky numbers at color for the day ay 76, 43 at yellow orange.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang taglay mong talino ang syang magaahon sa iyo sa kahirapan.Ngunit ito rin ang magbabalik sa iyo sa kalugmukan.Ganun din magpakabobo ka na lang para safe.Lucky numbers at color for the day ay 65, 11 at blue violet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Maswerte ang araw na ito sa iyo,bukod sa naiparamdam mo ang iyong tunay n saloobin ay tuluyan na ring binigay sau ng asawa mu ang favorite mong red stiletto nya,WINNER! Lucky numbers at color for the day ay 44, 8 at maroon.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Piliin ang tamang daan sa buhay..Kaso duling ka.LIGWAK! Lucky numbers at color for the day aY 22, 43 silver pink(meron b nun?).

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23)-Ang mga mumunting problema ay maaring madagdagan at lumaki,TAGYAWAT. Lucky numbers at color for the day ay 23, 8 purple.

MADAM JEM HOROSCOPE! November 18, 2011

MADAM JEM HOROSCOPE:  GABAY SA ARAW ARAW NA PAMUMUHAY




LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo,at siguradong sasaya ka. Lucky numbers at color for the day ay 19, , 45 at bloody red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) –Huwag kang maniniwala basta basta sa sasabihin ng iba..believe me. Lucky numbers at color for the day ay 39, 40 at apple red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kahit malakas ang energy at ang perosnalidad mahihirapan ka sa pagdesisyon. Dahil nalolobat ka rin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 29, 35 at sun yellow.

CAPRICORN(Disyembre 22 - Enero 19) – Gumawa ng daan upang iparamdam sa mga kasambahay, kaibigan o mga kasamahan ang mga bagay n gustong sabihin kung hindi masabi nang direkta..dahil bad breathe ka. Lucky numbers at color for the day ay 29, 38 at peach.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang pagiging mahina ng pagkatao ay siyang magbibigay ng lungkot sa buhay. Sabay kayong malolobat ni SAGITTARIUS. Lucky numbers at color for the day ay 16, 33 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag ikahiya ang sarili dahil ito ang magiging daan upang magtagumpay,matatanggap ka sa perya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 42 at maroon 5.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) –Ikaw ang magiging paksa ng kantsawan at biruan ng iyong mga kaibigan at di maiwasang mainis ka.Tutuksuhin ka nilang PIKON PIKON PIKON. Lucky numbers at color for the day ay 21, 35 at blue violet.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) –Magiging maliwanag at maaliwalas ang iyong araw,kelan ba dumilim ang araw?hmp.. Lucky numbers at color for the day ay 7, 6, green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –Ang anumang gusot ay madaling maayos..pagtapos mamalantsa magsaing ka na.. Lucky numbers at color for the day ay 6,7,5 at green hornet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) –Isang tao ngayon ang makakasamaan ng loob,dadami mamayang hapon. Lucky numbers at color for the day ay 19, at pearl white.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – May mga bagay kang dapat lakarin ngayon.Pede rin magcommute.Lucky numbers at color for the day ay 17, 24 at blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyem­bre 23) –Puno ng gana at lakas ang iyong araw hanggang sa pagtatapos nito, makakasampung COBRA ENERGY DRINK ka. Lucky numbers at color for the day ay 34,87 at pink panther

PAALALA: Tamang biruan lng po...Nasa sa inyo na lng po kung maniniwala kayo..ENJOY!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...