ICLICK at ISHARE ang ikwento mo

Ang Badminton!

Isa sa kinahihiligan kong laro ay ang Badminton. High School pa lang ay naglalaro na ako nito. Kung dati rati ay palo palo lang ang ginagawa ko o yung tinatawag na larong kalye, ngayon ay alam ko na ang ibat- ibang techniques na dapat gawin para maging mahusay sa larong ito.

Sa tuwing sasapit ang Martes at Sabado, ako ay naglalaro ng Badaminton sa Power and Speed (Mindanao Ave.) o di kaya naman sa Chuts (Munoz). Dahil sa sobrang busy ko sa trabaho at paggala (joke), minsan ay di na ako nakakapalagro. Super nakakamis talaga ang maglaro pero kailngan kong unahin ang dapat unahin. Nararamdaman ko na ang ibang kaibigan ko ay nagtatampo na sa akin dahil sa pag absent ko sa mga laro namin..pero sorry talaga...Haist kung alam nyo lang ang nararamdaman ko sa tuwing di ako ako nakakapaglaro ng badminton. :-(



Dati rati kasi halos tatlo hanggang apat na beses akong maglaro. Minsan pa nga ay dumadayo ako sa ibat-ibang court para lang makapaglaro. Ewan ko ba.. iba ang feeling pag pinagpapawisan ka sa court at nanalo ka sa mga games. Kahit minsan natatalo.. enjoy pa rin..

Haisssst...siguro dapat ko ng ayusin ang schedule ko para makapaglaro ulit ng tuloy tuloy. Namiss ko na talaga ang paglalaro ng badminton.

No comments:

Post a Comment

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...