ICLICK at ISHARE ang ikwento mo

WALANG PASOK ! Yahuuuu

Sa tuwing may darating na malakas bagyo, halos lahat ay nakatutok sa balita para malaman kung my pasok o wala. Tiyak na ang mga estudyante ay humihiling na sana WALANG PASOK. Ok na rin un..kasi nga naman halos lahat baha saan man sulok ng Metro Manila..sobrang hussle kaya un..basa ka na nga , lulusong ka pa sa madumi at mabahong baha na may kasamang naglulutangan na basura. At ang pinakamasakalap na mangyayari sayo ay  ang madulas at makakita ng eeewww habang naglalakad sa animoy ilog sa ciudad.>>>> siguro ay alam mo na ung ibig kong sabihin. Nakakabadtrip din ung tipong matatalsikan ka ng baha dahil sa pghaharurot ng mga sasakyan sa kalsada.




Walang Klase! ang sabi sa balita....Yehey! sabi naman ng kapatid ko with matching smile abot hanggang tenga. Basta pag ganito ang mga balita, ang mga estudyante ay talagang nagbubunyi sa mga anunsyong tulad nito. Syempre, walang pasok kinabukasan at walang maagang paggisng na magaganap. Malamang sa oo o sa hindi, tanghali na ito magsisispag-gising at tambay na naman sa bahay sa buong maghapon. O kaya naman, yung iba ay mangangapit-bahay para makipag chikahan ng ibat-ibang intriga sa showbiz. 



Noong ako’y nag-aaral pa, ang mga salitang gusto kong marinig at talagang inaabangan ko ay ang…BREAK TIME NA!....UWIAN NA....PASADO KA.... at syempre ang Walang PASOK. Pag walang pasok, walang exam, walang terror na teacher, walang homework, walang maingay na klase at higit sa lahat walang katabing amoy putok. Hahaha. Ngunit, datapwat, sublalit.... walang baon pag walang pasok at dun lang talaga ako nalungkot :-(…Pero mas pipilin ko pa rin ang walang pasok kasi mas enjoy at walang masyadong iniisip.

Sana nga ay araw-araw ay walang pasok para lagging masaya..Pero sa totoong buhay.. hindi mangyayari yun…wala kang pasok..pero wala ka namang matutunan.. wala ka ding pera..Kailangn talaga nating pumasok sa trabaho at eskwela. Kasi walang mangyayari sa atin kung tatambay lang tayo sa bahay.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...