ICLICK at ISHARE ang ikwento mo

Facebook Scandal lubhang NAKAKA-ALARMA na!

Lubhang nakaka-alarma na sa taong bayan ang mga kumakalat na balita ukol sa paglaganap ng karahasan sa pamamagitan ng mga Social Networking sites tulad ng FACEBOOK. Isang bagay na dapat bigyan pansin ng mga kinauukulan at mga magulang.

Ang FACEBOOK ay isang paraan para makipag-ugnayan sa  mga taong malalapit sa ating buhay. Dito makikita ang personal na impormasyon tulad ng iyong tunay na pangalan, kapanganakan, email address at kung anu anu pang impormasyon na magbibigay sa iba ng iyong kakakilanlan. Ito rin ang paraan para mahanap mo ang mga taong gusto mong makausap, makachat at makilala.




Sa aking panunuod ng balita, hindi maalis sa isipan ko ang balita tungkol sa dalaga na nagahasa dahil sa FACEBOOK. Ayun sa balita, mayroon siyang naging kaibigan lalake sa pamamagitan ng Facebook. Minsan niyaya sya nito na puntahan ang bahay ng kanilang kaibigan (common friend sa FB) para dalawin.  Lingid sa kaalaman niya, na ito ang magdadala sa kanya sa kapamahakan. Dinala siya nito  sa isang bahay na kung saan nandun ang mga pinsan ng lalake habang nag-iinuman. Kahit ayaw niya, napilitan siyang makisama at makipag-usap sa mga ito. Bago siya bigyan ng tagay, napansin niya na may kakaibang gainawa ang lalake sa kanyang baso. Hinayaan niya lang iyon at ininum ang alak na nasa baso. Hanggang siya’y biglang manghina at mahilo. Dito na siya sinimulang halayin. Kahit anung pigil niya sa lalake , wala siyang nagawa dahil sa gamot na hinalo sa kanyang inumin. Hinang Hina siya nga mga oras na iyon.

Ayokong sisihin ang babae dahil siya ay biktima lang din. Ngunit, Datapwat, naging maingat lang sana siya sa kanyang mga ginagawa at nakakasalamuha..Lalo na’t di niya kilala ng lubusan ang lalakeng nakilala niya sa FACEBOOK. Kahit anung pagsisi niya, nangyari na ang lahat. Maging aral na lng sana ang kwentong ito para sa kanya at sa lahat ng gumagamit ng FACEBOOK.

Hindi masama ang magkaroon ng bagong kaibigan. Masaya nga at masarap sa pakiramdam kung tayo ay may maraming kaiabigan. Ngunit maging maingat lng tayo sa pagpili ng ating kakaibiganin. Baka maging daan pa ito tungo sa ating kapahamakan.

TANDAAN MO TOL AT SIS
  • Gawing pribado ang iyong FACEBOOK. Ipakita lng ito sa mga taong malapit sa iyong buhay.
  • Huwag basta basta makipagkilala o makipag usap sa mga taong di mo kilala.
  • Kung di maiiwasanng di makipagpakita, magsama ng kasama at gawin ito sa ligtas na lugar.
  • Kung gagamit ng ibang computer, siguraduhing na log-out mo ang iyong account bago ka umalis lalong lalo na sa mga internet shop.
  • Wag maglagay ng mga maseselang larawan sa iyong account para hindi ito magamit sa kasamaan.
  • Maging matalino at maingat

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...